-- Advertisements --

Kinuhang boxing commentator si dating US President Donald Trump sa laban ni Evander Holyfield at Brazilian mixed martial arts star Vitor Belfort.

Sinabi nito na sabik siyang maging commentator sa paghaharap ng dalawang magagaling na fighters.

Makakasama ng dating pangulo ang anak niyang si Donald Jr.

Gaganapin ang laban sa Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida sa darating na Setyembre 11.

Magugunitang si Mexican boxing legend Oscar De la Hoya sana ang makakaharap ni Belfort subalit dinapuan ito ng COVID-19, isang linggo bago ang laban kaya minabuti niyang huwag nang sumabak.