-- Advertisements --

Nasa ligtas ng kalagayan ngayon si dating US President Donald Trump matapos tangkain umanong barilin habang isinasagawa ang kaniyang rally sa Butler, Pennsylvania kahapon, Sabado.

Kinumpirma ng dating tagapagsalita ni Trump na si Steven Cheung na ligtas na ang dating Pangulo at kasalukuyang ginagamot na ang sugat.

Ayon naman kay Republican representative Mike Kelly na kasama ni Trump sa rally na nakarinig ito ng mga putok ng baril.

Kinumpirma naman ni Butler county district attorney Richard Goldinger na dalawa ang namatay kabilang ang shooter at isang attendee.

Nabigyan na rin ng briefing si US President Joe Biden sa white House hinggil sa Trump rally.

Ang briefing kay Biden ay pinangunahan nina homeland security secretary Alejandro Mayorkas, Secret Service director Kimberly Cheatle at assistant to the president and homeland security adviser Liz Sherwood-Randall.