Inatasan ng korte sa New York si dating US President Donald Trump na magbayad ng $354.9 milyon bilang multa sa hindi pagsasabi ng tama ng kaniyang net worth para manloko ng mga mangungutang.
Kasama rin nito ay pinagbawalan din ni Justice Arthur Engoron ang dating pangulo na manilbihan ito sa anumang korporasyon sa New York sa loob ng tatlong taon.
Ang nasabin kaso ay nagsimula kay New York Attorney General Letita James kung saan inakusahan nito si Trump at negosyo ng pamilya nito na tinaasan ang kanilang net worth ng hanggang $3.6 bilyon kada taon sa loob ng ilang dekada.
Ginawa nila ito para mahikayat ang mga bankers at mabigyan sila ng mas magandang loan terms.
Mariing itinanggi ni Trump ang akusasyon at sinabing may halong pulitika ang kaso dahill si James ay isang Democrat.
Nakahanda naman ang legal counsel ni Trump na iapela ang nasabing kaso.
Lumabas ang desisyon matapos ang tatlong buwan na pagdinig sa Manhattan.