-- Advertisements --
Jimmy Carter
Jimmy Carter

Nahulog sa kaniyang sariling tahanan sa Georgia ang dating US President na si Jimmy Carter at nagkaroon ng black eye at nagtamo ng 14 na tahi sa kaniyang kilay.

Ngunit matapos ang aksidente ay nagbiyahe pa rin ang 95 year old na si Carter sa Tennessee para sa isang concert sa mga volunteers ng kaniyang 36th Home Building project sa Habitat for Humanity.

Kasama niya ang kanyang asawang si Rosalynn Carter, 92, upang makipag-usap sa mga volunteers at mga tagasuporta ng proyekto na tatapusin hanggang Biyernes.

Si Jimmy Carter ay nagdiwang ng kaniyang 95th Birthday noong October 1, at siya ang kauna-unahang pangulo ng Estados Unidos na makarating sa ganoong edad.