-- Advertisements --
Nakakuha ng malaking suporta si former United States President Donald Trump sa Iowa state sa Estados Unidos.
Ito ay matapos ang kaniyang pagkawagi sa Iowa caucuses kung saan tinambakan niya ng boto ang kaniyang mga kalaban na sina former US Ambassador to the United Nations Nikki Haley, at Florida Governor Ron DeSantis.
Sa datos, 50% ng mga boto ang nakuha ni Trump sa naturang caucus na kaniyang ikatlong sunud-sunod na nomination para sa presidential bid.
Ang pagkapanalo na ito ni Trump ay sa kabila ng 91 criminal charges at iba pang legal entanglements na kaniyang kinakaharap.
Gayunpaman ay tiniyak din ni Trump na ipapanalo niya ang kaniyang pagtakbo sa ikalawang termino bilang pangulo ng Estados Unidos.