-- Advertisements --
rex tillerson
Ex-US Secretary of State Rex Tillerson

Nabulgar ngayon ang pagkaasar umano ni dating United States Secretary of State Rex Tillerson sa manugang ni President Donald Trump na si Jared Kushner.

Ang naturang pananaw ni Tillerson ay lumutang sa record ng House Foreign Affairs Committee kung saan siya ay tumestigo noong nakaraang buwan.

Batay sa inilabas na transcript ng congressional hearing, ilang nakakahiyang pangyayari ang inungkat daw ni Tillerson laban kay Kushner.

Inamin ni Tillerson na ang son-in-law ay nagsasagawa rin daw ng sekretong “diplomacy” habang siya ay nasa admisnitrasyon na hindi rin niya alam.

Kung maaalala ang top envoy ng Amerika ay sinibak ni Trump noong March 2018 kung saan inanunsiyo ito sa pamamagitan ng social media.

Iniulat daw ni Tillerson ang isang pangyayari na nakakatawa at nakakahiya.

Nagkaroon daw ng dinner si Tillerson sa dati ring CEO ng ExxonMobil sa isang restaurant na doon din pala may private meal sina Kushner at Mexican Secretary of Foreign Affairs Luis Videgaray.

Nilapitan daw ito ni Tillerson at pinaalalahanan na sana “tawagan naman siya” kung ito ay nasa US capital.

Dito na kitang kita raw ni Tillerson kung paano namula at hiyang hiya ang Mexican envoy.

jared Kushner
Trump son-law Jared Kushner

May isa ring pangyayari raw na nagalit si Tillerson nang magulat siya sa secret dinner ni Kushner sa mga leaders ng Saudi Arabia at UAE na hindi niya alam kung saan ang pinag-usapan ay ang blockade sa Qatar.

May hinaing din si Tillerson sa maraming biyahe ni Kushner patungo ng Saudi at iba pang mga lugar sa Middle East na hindi man lamang kinukunsulta ang mga US embassies.