-- Advertisements --

Pumanaw na ang dating US Secretary of Defense na si Donald Rumsfeld sa edad 88.

Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya subalit hindi na sila nagbigay ng dahilan ng kamatayan nito.

Naging pinakabatang secretary of defense at pangalawang pinakamatandang nagsilbi sa posisyon.

Naging Secretary of Defense ito noong panahon ni US President Gerald Ford noong 1970 at kay President George W. Bush noong 2000.