-- Advertisements --
Ex-US Vice President Joe Biden

Mariing pinabulaanan ni ex-US Vice President Joe Biden ang alegasyon ng kaniyang dating Democratic nominee bilang lieutenant governor na si Lucy Flores.

Sinabi ni Biden na sa tagal na niya sa pangangampanya tuwing tumatakbo sa anumang posisyon ay tanging pakikipagkamay at ang kanyang pagyakap ay bilang pagpapakita ng pasasalamat.

Nandigan ito na wala siyang ginawang anumang uri ng pambabastos at kung sakaling magsagawa ng imbestigasyon ay handa itong makibahagi.

Nauna rito ibinunyag ni Flores na noong 2014 habang sila ay nasa campaign rally sa Nevada ay nabigla na lamang ito dahil sa ginawang paghalik sa kaniyang likurang bahagi ng ulo.

Idinikit pa aniya ni Biden ang kaniyang katawan sa likod nito bago inamoy ang buhok at hinalikan ang ulo.

Kontento naman si Flores sa naging pahayag ng dating US pice president na handa nitong sagutin ang kaniyang alegasyon.

“In my many years on the campaign trail and in public life, I have offered countless handshakes, hugs, expressions of affection, support and comfort,” ani Biden sa statement. “And not once — never — did I believe I acted inappropriately. If it is suggested I did so, I will listen respectfully. But it was never my intention.”