-- Advertisements --

Walang bahid na pagsisisi si dating US Vice President Mike Pence na umatras sa pagtakbo bilang pangulo sa 2024 presidential elections.

Isinagawa nito ang anunsiyo ng pag-atras sa pagtakbo sa Republican Jewish Coalition sa Las Vegas.

Sinabi nito na isang matinding labanan ang nasabing halalan kaya hindi ito nagsisi na umatras.

Si Pence ang unang pangunahing kandidato ng Republicans na umatras na sa kampanya kung saan makakatunggali sana nito ang kapartido na si dating US President Donald Trump.

Sa mga nagdaang mga surveys kasi sa US ay hirap makakuha si Trump ng mga boto.

Hindi nakakuha ng suporta rin ang 64-anyos na si Pence sa kapwa Republicans ng kumalas ito kay dating President Trump dahil sa Enero 6, 2021 Capitol riot.