-- Advertisements --

Kasalukuyang nagpapagaling ngayon si dating US Vice President Mike Pence matapos na malagyan ang pacemaker.

Ayon sa kampo ni Pence, nilagyan ito ng nasabing device matapos ang isinagawang routine surgery.

Noong nakaraang mga taon ay sinabi ni Pence na mayroon itong sakit sa puso at sumailalim sa heart procedure sa Inova Fairfax Medical Facility sa Virginia dahil sa pagbagal ng pagtibok ng puso nito.

Pinasalamatan naman ni Pence ang mga doctor at nurse na nag-alaga at tumingin sa kaniyang kalusugan.