BUTUAN CITY – Nai-turn over na ng pulisya ng Bislig City, Surigao del Sur sa Regional Trial Court, Branch 42 , 10th Judicial Region na nakabase sa Medina, Misamis Oriental ang dating Vice Governor ng Surigao del Sur na si Librado Navarro, 64-anyos at asawa nitong si City Councilor Maylene, 47-anyos, parehong residente ng Ericson Subdivision, Brgy. Poblacion, matapos silang mahuli kagabi dahil sa kinakaharap nilang dalwang bilang ng kasong syndicated estafa.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni PCapt. Carlos Villadore, deputy chief ng Bislig City Police Station na kanilang nahuli ang mag-asawa pasado alas-10:30 kagabi sa may Sitio San Andres, Brgy. Maharlika, bitbit ang arrest warrant na inisyu ni Judge Judy Sia Galvez sa kasong walang inirekomendang pyansa para sa kanilang temporaryong kalayaan.
Wala umanong resistance na ipinakita ang mag-asawat sa arresting team kung kaya’t matiwasay silang nadala sa police station.
Nilinaw din ng opsiyalna sa kanilang lungsod ay walang pormal na nagsampa ng reklamo laban sa dawala sa kabila ng isinagawang rali ng mga tao nitong nakalipas na taon dahil umano sa perang hindi isinoli sa kanila nang kanilang na-invest sa investment scheme na kanilang dinadala.
Dagdag pa ni Capt. Villadore na nahuli sa Brgy. Maharlika ang mga suspek habang nagsagawa ng barangay visitation dahil tumatakbong mayor sa kanilang lungsod ang dating besi-gobernador.