CAGAYAN DE ORO CITY – Bantay-sarado ang pulisya habang naka-hospital arrest ang dating bise alkalde ng Ticong town at kasalukuyang tumakbo rin bilang mayor sa bayan ng Malabang na kapwa nakabase sa Lanao del Sur sa 2022 elections.
Ito may matapos natunton ng mga tauhan ni PNP’s Criminal Investigation and Detection Group director general Maj Gen Albert Ignatius Ferro ang lokasyon ni dating Ticong Vice Mayor Alinader Balindong,67 anyos na mayoralty candidate sana sa karatig-bayan ng Lanao del Sur.
Inihayag ni Ferro na inaaresto si Balindong batay sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Regional Trial Court Branch 11 Presiding Judge Alberto Quinto kaugnay sa kasong murder at frustrated murder na nangyari sa mismong pinamahalaan nito na bayan taong 2020.
Ito ang dahilan na isinilbi ang utos ni Quinto habang naka-confine si Balindong sa Misamis University Medical Center na nakabase sa Barangay Bagakay,Ozamiz City,Misamis Occidental.
Batay sa impormasyon ng pulisya,iniugnay ang dating opisyal sa pagkapaslang ng kanilang market administrator taong 2020.
Hindi na nai-presenta pa ng CIDG at Misamis Occidental PNP ang salarin sa sala ng huwes dahil na rin sa umano’y interim order na motion ng kanyang abogado na isasailaim na muna ito ng hospital arrest.