GENERAL SANTOS CITY – Hindi na matutuloy ang eleksyon sa darating na Oktubre 26 para sa pagka-kongresista ng GenSan.
Ito ang sinabi ni Atty. April Mitchor Miguel matapos napaabot sa Commission on Elections (COMELEC)-GenSan ang resolusyon ng Commission en banc na ipoproklama na si dating Vice Mayor Shirlyn Banas Nograles na kinatawan ng unang distrito ng South Cotabato.
Ayon kay Atty. Miguel, susundin nila ang kautusan ng Supreme Court (SC) kaya ipoproklamang panalo si Nograles at hindi na rin magsasampa ng motion for reconsideration.
Una nang sinabi ng SC na sa May 2022 pa ang effectivity ng paghihiwalay ng lone district sa GenSan at ng 1st District ng South Cotabato at mali umano ang pagkaka-interpret ng COMELEC.
Napag-alaman na ang ang author sa naturang batas ay si dating Congressman Pedro Acharon Jr., na sya sanang makakabangga ni Nograles sa halalan.