-- Advertisements --

Susubukan ni dating Adamson University Lady Falcon Joy Dacoron ang kaniyang suwerte sa beauty pageant.
Ito ay matapos na nakapasok ang dating volleyball player sa Top 40 candidates ng Binibining Pilipinas ngayong taon.

Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng larawan ng pagkumpirma ng pagsali sa nasabing pageant.

Naglaro si Dacoron sa Philippine Volleyball League noong 2021 ng kinuha siya ng koponang Chery Tiggo bago lumipat sa Cignal HD Spikers.