-- Advertisements --
Kinumpirma ni Senate President Vicente Sotto III na makakasama na nila sa hanay ng mga tatakbong senador si dating Vice President Jejomar Binay.
Tatakbo umano ito sa ilalim ng tandem nila ni Sen. Panfilo Lacson.
Sa kasalukuyan may inisyal na ring lineup ang Sotto-Lacson tandem na kinabibilangan ng mga dati at kasalukuyang mambabatas.
Kung papalarin si Binay, makakasama na niya sa mataas na kapulungan ng Kongreso ang anak na si Sen. nancy Binay.
Sa taong 2025 pa kasi magtatapos ang termino ng nakababatang Binay.
Pero hindi na ito kakaiba dahil nangyari na noong mga nakaraang panahon na sabay na nanungkulan sa Senado sina dating Sen. Loi at anak na si dating Sen. Jinggoy Estrada.