-- Advertisements --
image 139

Nagkita sina dating Vice President Leni Robredo at dating Senator Leila de Lima sa kanilang homeprovince sa Camarines Sur ngayong araw.

Ang pagkikita ng dalawa ay ilang araw kasunod ng paglaya ng dating Senadora noong Lunes matapos na payagan ng korte na makapagpiyansa sa huli nitong kaso sa iligal na droga.

Ayon kay dating VP Leni, pawang personal lamang ang kanilang napag-usapan ng dating Senadora at walang halong pulitika.

Nitong Miyerkules ng umuwi si De Lima para bisitahin ang kaniyang maysakit na ina at pamilya sa kaniyang hometown sa Iriga.

Nitong Huwebes naman ng umaga, binisita ng dating Senadora ang puntod ng kaniyang ama at isang bahay-ampunan kung saan administrator ang kaniyang tiyahin.

Matatandaan na si De Lima at Robredo ay mataal ng mag-kaalyado sa ilalim ng Liberal Party kung saan naging miyembro si De Lima at minsan namang pinamunuan ni Robredo.

Top