Nanguna si dating Vice President Leni Robredo sa panawagan sa national government ng tulong dahil sa pananalasa ng bagyong Kristine sa Bicol Region.
Mula pa kaninang madaling araw ay ipinanawagan niya ang pangangailangan ng rubber boats dahil maraming mga kabahayan doon ang nalubog sa baha.
Nitong umaga naman ay nanawagan din ang dating bise presidente sa mga restaurants at hotels ganun din sa carenderia na tumulong para sa pagbibigay ng mga hot meals na ipapamahagi sa mga nasa evacuation center.
Tiniyak naman ni Camarines Sur Second District Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte, na kanilang tutugunan ang mga humihingi ng tulong sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine.
May mahigpit rin na koordinasyon ito sa national government para matiyak na matulungan ang mga nangangailangan.