-- Advertisements --

Personal na sinamahan ni dating Vice President Leni Robredo ang mga namamahagi ng mga tulong sa mga biktima ng bagyong Kristine sa lungsod ng Naga.

Sa ilang larawan na ibinahagi ng non-government organizatioinna Kaya Natin Movement for Good Governance and Ethical Leadership ay makikitang lumusong si Robredo sa baha.

Isa ang dating bise president na nanawagan ng tulong gaya ng rubber boats noong araw ang Martes sa lungsod ng Naga dahil sa pagtaas ng tubig baha.

Nasa mahigit P12-M na rin ang nagbigay ng donasyon sa isinagawang panawagan ni Robredo bilang tulong sa mga naapektuhan ng bagyo sa lungsod ng Naga.