-- Advertisements --
JEFF AND MACKINZIE BEZOS
Jeff and MacKinzie Bezos

Nagdesisyon si MacKenzie Bezos ang dating asawa ni Amazon.com CEO Jeff Bezos na ibibigay nito ang kalahati ng kaniyang yaman sa Charity.

Ayon sa asawa ng isa sa pinakamayamang tao buong mundo, na kalahati sa kaniyang $36-billion na nakuha sa pakikipaghiwalay sa asawa ay mapupunta sa charity organization na itinaguyod ng mga bilyonaryong si Warren Buffet at mag-asawang Bill at Melinda Gates.

Dagdag pa nito na anumang assets na kaniyang makukuha ay kaniya ring ipapamigay.

Si Bezos ay naging pangatlo sa pinakamayamang babae sa buong mundo base sa Forbes Magazine matapos na makakuha ng 4% stake sa Amazon na aabot sa $36 billion.

Magugunitang nagkaroon ng divorce settlement ang mag-asawa kung saan babayaran ni Jeff ang kaniyang asawa sa halagang $36 billion.