-- Advertisements --

Isa ang komedyanteng si Vhong Navarro sa mga nagpaabot ng well wishes para sa aktres na si Bianca Lapus na kasalukuyang naka-confine sa ospital matapos magpositibo sa Coronavirus Disease (COVID).

Ang 43-anyos na si Bianca ay dating misis ng 44-year-old TV host kung saan nagbunga ang kanilang 7 year marriage ng isang anak.

Nag-comment si Vhong ng tatlong folded hands emojis sa online post ng kanyang ex wife na nagpahayag kung gaano kahirap labanan ang COVID-19 sa gitna na rin ng pagkakaroon pa ng pneumonia.

Bianca L COVID

Una nang nagpasalamat si Lapus na kahit nakakainip magpagaling at napakaraming gamot, ay negatibo naman sa deadly virus ang kanyang pamilya.

Taong 2010 nang ma-annul ang kanilang kasal kung saan sinasabing napanatunayan sa korte na si Bianca ay may “psychological incapacity” bago pa man pasukin ang buhay may asawa.

Sa ngayon ay isang businessman at model ang boyfriend ni Lapus, habang si Bong naman ay kasal na sa isang non showbiz girl na kanyang naging kasintahan muna sa loob ng 11 taon.