-- Advertisements --
Pumanaw na ang dating women’s national basketball player ng bansa na si Vicki Brick sa edad na 43.
Kinumpirma ng pamilya nito na hindi na nito nakayanan ang pakikipaglaban niya sa ovarian cancer.
Ang Filipino-American guard ay naglaro sa Maryland sa US NCAA.
Naglaro ito sa Philipipine Team o kilala ngayon bilang Gilas Pilipinas Women sa ilalim noon ni coach Fritz Gaston.
Kasama siya ng magwagi ang bansa ng bronze medal noong 2007 Southeast Asian Games na ginanap sa Nakhon Ratchasima.
Matapos ang paglalaro ay pinamunuan niya ang negosyo ng pamilya sa Baltimore ang Brick Bodies Fitness.