-- Advertisements --
Hinatulang makulong ng dalawang taon ang dating namumuno ng International Association of Athletics Federations o kilala ngayon bilang World Athletics na si Lamine Diack.
Ito ay matapos na napatunayan ng korte na guilty siya sa kurapsyon.
Tumanggap umano ang 87-anyos na si Diack ng $4.1 million sa mga atleta ng pinaghihinalaang gumagamit ng ililgal na substance.
Bukod sa pagkakakulong ay pinagbabayad ito ng korte ng nasa $594,000.
Pinamunuan ni Diack na isang Senegalese ang World Athletics mula 1999 hanggang 2015.
Mula pa kasi noong 2015 ay nasa house arrest na ito dahil umano sa anomalya.