Pumanaw na ang dating presidente ng World Bank (WB) na si James Wolfenshon sa edad na 86-anyos.
Siya ay isang investment banker na tumulong na ituwid ang pananalapi ng mga pangunahing institusyong pangkulturang mga Amerikano.
Ang pangulo ng World Bank Group na si David Malpass ay nagbigay pugay at nagsabing mas pinagtuunan ni Wolfensohn ang pagbawas ng kahirapan at doblehin ang pagsisikap na labanan ang katiwalian, bigyan ng boses ang mga mahihirap at palakihin ang epekto ng mga pamumuhunan sa kaunlaran.
Kabilang sa kaniyang mga naggawa ay binago nito ang World Bank Group, pinataas ang desentralisasyon, isinulong ang teknolohiya sa mga bangko, at ginawang mas bukas at malinaw ang samahan.
“Under Jim’s Presidency, which ran from June 1, 1995 to May 31, 2005, the World Bank Group sharpened its focus on poverty reduction and redoubled its efforts to combat corruption, give voice to the poor, and magnify the impact of development investments,” ani Malpass sa statement. “Bank staff had great admiration and respect for Jim and his wife Elaine, who passed in August of this year. In his 10 years as President, Jim traveled to more than 120 countries, often accompanied by Elaine, to better understand the challenges facing the Bank’s member countries.” (with report from Bombo Jane Buna)