Nagpasya si four-time major winner at golf star Brooks Koepla na hindi maglaro ng anumang torneo ngayong 2020.
Kasunod ito ng knaiyang hip at knee injury.
Ayon sa dating world number 1 golfer, umatras na ito sa pagsali sa Northern Trust tournament sa TPC Boston, Massachusetts.
Ang Northern Trust kasi ay siyang first leg ng FeEx Cup playoffs kung saan dito malalaman ang mga sasabak sa PGA Tour at tanging top 70 players lamang ang papasok sa next stage.
Balak pa rin nitong maglaro sa US Open na magsisimula sa Setyembre 17 sa Winged Foot Golf Club sa New York.
Taong 2019 ng makuha nito ang number 1 ranking subalit dahil sa injury ay bumaba ang ranking nito at naging pang-pito na lamang sa buong mundo.
Noong nakaraang taon ay nagkaroon ng injury sa kaniyang tuhod ang 30-anyos na golf player subalit matapos ang stem cell procedure dahil injury ay lumubha ito matapos ang dalawang tournaments.
Napilitan din itong hindi ituloy ang laban sa 2019 CJ Cup matapos na ito ay madulas sa semento na nagresulta sa pamamahinga niya ng tatlong buwan.