-- Advertisements --
Ikinasal si dating world number 1 tennis player Simona Halep sa kaniyang nobyong si Toni Iuruc.
Isinagawa ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa kaniyang bayan sa Constanta, Romania.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan ng kanilang civil wedding.
Isang billionaire businessman ang naging asawa ng tennis star.
Magugunitang nagtamo ng foot injury si Halep sa torneo sa Roma noong Mayo kaya hindi ito nakasali sa French Open, Wimbledon at ang Tokyo Olympics.
Bumalik ito sa paglalaro noong Agosto sa US Open kung saan nagtapos siya sa Round of 16 at tinalo ni Elina Svitolina.
Bumuhos naman ang pagbati mula sa kapwa nitong mga tennis players at ilang mga sports personalities.