-- Advertisements --

Inanunsiyo ni dating tennis world number one at two-time Grand Slam winner Simona Halep ang kaniyang pagreretiro.

Isinagawa nito ang anunsiyo matapos ang pagkatalo niya sa first round ng Transylvania Open laban kay Lucia Bronzetti ng Italy.

Sinabi ng 33-anyos na Romanian tennis star na hindi na nito nakakayanan ang injury sa kaniyang tuhod at balikat.

Magkahalong lungkot at saya ang naramdaman dahil sa kahit na gusto pa niyang maglaro ay bumibigay na ang kaniyang katawan dahil sa mga injury.

Nagpasalamat na lamang ito dahil sa naging world number 1 na siya at nakakuha pa ng Gran Slam.

Nabigo ng tatlong Grand Slam Finals si Halep hanggang makamit ang unang major sa French Open noong 2018 at nagwagi ng Wimbledon sa sumunod na taon.

Noong Oktubre 2022 ay sinuspendi siya dahil sa pagpositibo sa roxadustat isang pinagbabawal na gamot na nagpapalakas ng paggawa ng red blood cells sa US Open.

Dahil sa insidente ay pinatawan ito ng apat na taon na ban hanggang nabawasan ito at naging siyam na buwan na lamang matapos na aprubahan ang kaniyang apila.