-- Advertisements --

Pinaghahanap pa rin ng mga otoridad sa Venice Beach sa Los Angeles ang dating WWE superstar na si Shad Gaspard.

Shad Gaspard
Shad Gaspard/ IG post

Ito ay matapos na hindi na nakita mula ng maligo sa nasabing dagat.

Kabilang kasi si Gaspard na nahagip ng malakas ng rip current kasama ang 10-anyos na anak nitong lalaki.

Nailigtas ang anak nito subalit hindi pa nakita ang 39-anyos na professional wrestler.

Nagpakalat na ang mga otoridad ng Los Angeles ng mga scuba divers at helicopters para agad na makita ang katawan ng biktima.

Bahayang nahirapan ang mga rescuers dahil sa malakas at malalaking alon sa lugar.