-- Advertisements --
robert mugabe
Former Zimbabwe President Robert Mugabe has died at the age of 95 after battling with ill health. Mugabe served as the country’s leader for 37 years after being outed by the military in 2017.

Sumakabilang-buhay na ang dating presidente ng Zimbabwe na si Robert Mugabe sa edad na 95-anyos matapos ang mahabang panahon na pakikipaglaban nito sa sakit.

Kinumpirma ito ni Zimbabwe President Emmerson Mnangagwa sa kaniyang Twitter account.

Ayon pa kay Mnangagwa, pumanaw si Mugabe habang nasa Singapore ito kung saan siya simulang nagpagamot noong Abril.

Pinamunuan ni Mugabe ang naturang bansa noong 1980 hanggang 2017 bago ito tuluyang magbitiw sa pwesto.

Kinamuhian ng marami si Mugabe dahil sa kaniyang pagnanais na magpakalat ng death squads, magsagawa ng rig elections at maging ang pamumuno nito sa Zimbabwe sa loob ng 37 taon.

Dahil dito, maraming influential war veterans — karamihan sa mga ito ay nakipaglaban upang tuluyang makamit ng kaniloang bansa ang kalayaan noong 1980 — ay tumigil sa pagsuporta sa kanilang dating pangulo.