-- Advertisements --

Nasa kabuuang P3billion ang nalikom ng pamahalaan mula sa excess value-added tax (VAT) collection program noong katapusan ng buwan ng Pebrero.

Gagamitin ito sa pagpondo sa karagdagang fuel subsidies at discounts na ipapamahagi sa susunod na buwan.

Sinabi ni Finance Undersecretary Valery Joy Brion sa Senate hearing na ang sobrang koleksiyon mula sa 12% VAT sa unang dalawang buwan ng kasalukuyang taon at sa mga susunod pang buwan ay siyang gagamiting pondo sa mas malaking mga subsidiya na ipinanukala ng economic team ng Pangulong Duterte para mabigyan ng subsidiya ang mga sektor na matinding naapektuhan ng mataas na presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Brion, ang actual incremental colections ay base sa baseline oil cost na $70 per barrel. Nabuo ang excess Vat collections mula sa $83.5 per barrel na average crude oil prices noong enero habang mas mataas naman noong Pebrero na nasa $90.1 kasa bariles.

Paliwanag pa ni Brion na kapag pumalo pa sa $100 kada bariles ang global oil prices, maaaring umabot hanggang $20.3 billion ang malilikom na excess VAT collections para sa buong taon kung saan maaaring magamit aniya ang sobrang revenues para mapondohan ang mas marami pang subsidya sakaling magtagal pa ang mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Nauna ng inirekomenda ng Economic Development Cluster sa Pangulo ang pagdoble pa ng ipapamahaging fuel subsidy ng hanggang P5billion at P1.1 billion naman para sa fuel discounts.

Sinabi din ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua na ang ikalawang tranche ng tulong pinansiyal para sa mga vulnearble sectors ay mailalabas sa buwan pa ng Abril matapos na matukoy ng pamahalaan ang pagkukunan ng pondo.

Ang mga excess revenues at foreign borrowings ng bansa ay kalimitang ginagamit para pondohan ang mga unprogrammed appropriations sa taunang budget.

Samantala, hindi naman suportado ng DOF ang ilang panukala na ibaba o suspendihin ang fuel excise tax dahil maari aniya magresulta ito sa pagkawala ng revenues at makakaapekto sa recovery at long term growth.

Nauna ng sinabi ng DOF noong 2021 na ang pagsupendi sa oil excise taxes sa ilalim ng Tax Reform fro Acceleration and Inclusion Act (TRAIN Law) ay maaaring mawalan ang gobyerno ng hangang P147.1 billion revenues ngayong taon.