-- Advertisements --

Ilang flights pa rin ang kanselado ngayong araw Linggo, August 19 dahil sa “excessive delays” sanhi ng pagsadsad ng Chinese aircraft sa runway ng Ninoy Aquino International Airport.

Sa ulat mula na inilabas ng Manila International Airport Authority (MIAA), as of 7 a.m. nasa pitong internationa at 44 na domestic flights ang kanselado ngayong araw.

Ang mga kanseladong flights ay ang mga sumusunod:

PR 104/105 Manila – San Francisco – Manila
PR 654 Manila – Riyadh
PR 418/419 Manila – Pusan – Manila
2P 2519/2520 Manila – Cagayan – Manila
2P 2151/2152 Manila – Iloilo – Manila

5J 110/111 Manila – Hong Kong – Manila
5J 651/652 Manila – Tacloban – Manila
5J 991/992 Manila – General Santos – Manila
5J 703/704 Manila – Dipolog – Manila
5J 483/484 Manila – Bacolod – Manila
5J 995/996 Manila – General Santos – Manila
5J 196/197 Manila – Cauyan – Manila
5J 321/322 Manila – Legazpi – Manila
5J 637/638 Manila – Puerto Princesa – Manila
5J 504/505 Manila – Tuguegarao – Manila
5J 821/822 Manila – Virac – Manila
5J 623/624 Manila – Dumaguete – Manila
5J 781/782 Manila – Ozamiz – Manila
5J 385/386 Manila – Cagayan
5J 551 Manila – Cebu
5J 562 Cebu – Manila
2P 2967/2968 Manila – Butuan – Manila
2P 2921/2922 Manila – Legazpi – Manila
2P 2993/2994 Manila – Zamboanga – Manila
2P 2889/2890 Manila – Ozamiz – Manila
2P 2557/2558 Manila – Dipolog – Manila
2P 2203/2204 Manila – Roxas – Manila

Samantala, inanunsiyo naman ng Philippine Airlines na maaaring i-refund ng mga apektadong pasahero o i rebook ang kanilang flights sa kanilang mga ticket offices sa buong bansa.
Maaari din naman ang mga ito tumawag sa PAL Hotline (+632) 855-8888 o bisitahin ang kanilang website www.philippineairlines.com’s ManageMyBooking portal.
Sa ngayon, hindi pinayagan ng CAAP ang piloto ng Xiamen para makaalis ng bansa.
Bukas, Lunes August 20,2018 nakatakdang humarap sa CAAP ang piloto ng Xiamen Air Flight MF 8667 para sa gagawing imbestigasyon ng ahensiya.
Aalamin ng Aviation authorities kung ang insidente ay dahil sa pilot error o ang tinatawag na force majeure.