-- Advertisements --
House Plenary Congress
House of Representatives

Walang plano ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na suspendihin ang ipinapataw na excise tax sa mga produktong petrolyo.

Pahayag ito ni House Ways and Means committee chairman Joey Salceda kasunod nang pagpapasabog ng Iranian-backed Houthi group sa dalawang oil facility sa Saudi Arabia kamakailan.

Kung sususpendihin aniya nila ang pagpataw ng excise tax sa mga produktong petrolyo kasunod ng pangyayaring ito, kailangan muna nilang amiyendahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law 1.

Nakasaad sa TRAIN Law 1 na maari lamang alisin ang ipinapataw na excise tax sa mga fuel products kapag umabot sa 80 dollars ang kada bariles ng Dubai crude oil base sa Mean of Platts Singapore.

Ito ay kung nangyari ang pagtaas ng presyo ng langis tatlong buwan bago ang scheduled increase nito.