Binuksan na ang makasaysayang pagiging bahagi ng ESports sa nagpapatuloy na 30th Southeast Asian Games sa Pilipinas.
Nagsagawa muna ng formal ceremonies na pinangunahan nina PSC Chair William Ramirez, POC Chariman Bambol Tolentino at San Juan Mayor Francis Zamora na ginanap sa Fil Sports Arena sa San Juan City.
Kasali sa nasabing torneyo ay binubuo ng Pilipinas, Malaysia, Laos, Indonesia, Thailand, Myanmar, Vietnam at Singapore.
Gaya nang inaasahan full force ang mga Pinoy fans na nagtungo sa San Juan Arena para suportahan ang mga manlalaro ng ESport.
Ang mga laro na babandera ay Mobile Legend, Heartstone, Starcraft,Arena of Valor, DOTA2 at Tekken 7.
Hahatiin ito sa kategoryang PC games, Console at Mobile Games.
Binubuo ng 24 na members ang Team Sibol na siyang official ESport team ng bansa.
Noong 2017 SEA Games sa Malaysia ay demonstration sports pa lamang ang ESport pero ngayon ay itinaas na ito sa regular medal tally.