Hanggang ngayon trending pa rin sa mga Pinoy basketball fans ang makapigil hininga na matchups ng magkapatid na Keifer at Thirdy Ravena sa pagsisimula ng B.League sa Japan.
Kung maalala parehas na may tig-isang panalo na ang San-En NeoPhoenix ni Thirday at Shiga Lakestars ni Keifer sa magkasunod na banggaan ng dalawang teams.
Si Thirdy ay nasa ikalawang season na ngayon ng liga kaya siya ang itinuturing na nangunguna sa eksperyensa sa Japan sa walong mga Pinoy players na kinuhang import ng iba’t ibang mga koponan.
Kung maalala nitong nakalipas na weekend sa second game ay dinala ni Thirdy ang San-En na may 21 points upang makabawi sa kanyang kuya na PBA player na si Keifer na nagpakita naman ng 20 points.
Sa darating na weekend isa pang Pinoy na malapit din niyang kaibigan ang makakabanggaan naman ni Thirdy na si Kobe Paras na kinuha ng Niigata Albirex BB.
Ayon kay Thirdy excited na rin siyang makaharap ang best friend.
Samantala, lalo pang nagpaalab sa laro ng mga Ravena ay dahil maraming mga Pinoy din ang nanonood doon.
Hindi naman nabahahala ang dalawa na nakakaharap din ang mga bigating mga players sa Japan.