KALIBO, Aklan—Binuksan ngayong araw ng Martes, Setyembre 10 ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang isang exclusive beach para lamang sa mga Muslim travelers partikular sa kanilang mga babae.
Ayon kay Malay Mayor Frolibar Bautista, pinangarap nila na maging “Muslim-friendly” ang Boracay kung kaya’t may private beach na nakalaan para sa kanila na makikita sa loob ng isang resort kung saan, mayroon itong halal kitchen certification.
Layunin nito na malayang makapaglangoy ang mga babaeng Muslim.
Target aniya nila na makahanap ng mga turistang Muslim na bibisita sa tanyag na beach destination sa Pilipinas.
Isinaalang-alang din na magkaroon ng prayer room para sa mga Muslim at mapa-improve ang inaalok na halal Filipino cuisine.
Dahil sa diplomatic tensyon sa gitna ng China at Pilipinas sa inaagawang teritoryo sa West Philippine Sea, naapektuhan ang foreign tourist arrivals sa Boracay sa pagbaba ng bilang ng mga turistang Chinese.
Dagdag pa nito na itinuturing ang Halal tourism bilang mabilis na growing market sa tourism industry sa buong mundo.