Kinontra ng Executive Committee ng University of the Philippines Diliman ang pagsali ni presidential spokesperson Harry Roque sa International Law Commission (ILC).
Ayon sa grupo na masisira lamang ang reputasyon ng ILC ng United Nation.
Hindi aniya nababagay si Roque sa nasabing posisyon dahil sa siya ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa nila na mayroong mahinang record si Roque sa promosyon at pagdepensa sa karapatan ng tao at ang batas.
Nauna rito sinabi ni Roque na siya ay nasa New York City matapos na ma-nominate siya sa posisyon sa ILC.
Ang United Nations General Assembly ang siyang naghahalal ng mga miyembro ng ILC.
Isa lamang si Roque sa 11 na mga kandidato mula a Asia-Pacific regions kung saan mayroong walong upuan ang inilaan ng UN.