-- Advertisements --
Bahagi na ngayon ng Global Anti-Scam Alliance ang Executive Director ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center na si Alexander Ramos.
Si Ramos ay napili bilang Keynote Speaker sa isasagawang Global Anti-Scam Summit na gaganapin ngayong Marso 26 hanggang 27 sa London.
Kinilala rin ang opisyal bilang runner-up sa Scam Fighter of the Year 2025 ng naturang alyansa.
Inaasahang ibabahagi ni Ramos bilang Keynote Speaker ang mga naging karanasan nito sa pagsasagawa ng imbestigasyon .
Bihasa rin ang opisyal sa pagpapatupad ng mga polisiya na may kinalaman sa paglaban sa cybercrime.
Tiniyak naman ng opisyal na kanilang gagawin ang lahat upang masiguro na maprotektahan ang mga mamamayan mula sa iba’t-ibang uri ng scam.