-- Advertisements --

Hinikayat ni Health Secretary Francisco Duque III si Pangulong Rodrigo Duterte na maglabas ng executive order para sa emergency use authorization (EUA) ng COVID-19 vaccine.

Makakatulong daw ito upang paikliin ang pagbibigay ng Food and Drug Administration (FDA) ng grant para sa emergency use authorization ng iba’t ibang bakuna na papasok sa bansa mula anim na buwan hanggang 21 araw.

Duterte Francsico Duque DOH IATF

Ayon kay Duque, dahil sa EUA ay maaaring gumamit ang bansa ng mga gamot, bakuna at iba pang health technologies sa pamamagitan ng process of reliance at recognition.

Ang reliance ay tumutukoy sa proseso ng pagtitiwala ng FDA sa mga evaluations na ginawa sa national regular authority sa ibang sa bansa sa pagdedesisyon naman nito ng application sa Pilipinas.

Habang ang recognition naman ay routuin na acceptance ng FDA ng regulatory decision ng ibang national regulatory authorities o iba pang trusted institutions.

Dagdag pa ng kalihim na magagamit lamang ang EUA kung mayroong medical health emergeny, serious o life-threatening disease at iba pa.

Magsasagawa naman ang FDA ng post-marketing surveillance activities at ang EUA ay maaaring i-revise o i-revoke ng nasabing ahensya kung kinakalingang upang maprotektahan ang kalusugan ng taumbayan.