Ipinagpaliban muna ang nakatakda sanang exhibition fight ni boxing legend Floyd Mayweather Jr sa Tokyo, Japan dahil sa mga ipinatupad na restriksyon dahil sa coronavirus pandemic.
Ayon sa mga orgazniers, ito ay makaraang isara muna ng Japan ang kanilang mga border mula sa mga arrivals galing ibang bansa.
Haharapin sana ni Mayweather ang isang hindi pa pinapangalanang kalaban sa Tokyo Dome sa Pebrero 28.
Umaasa naman ang retired American champion na matutuloy pa rin ngayong taon ang event sa Tokyo, na binansagang “Mega 2021.”
“Japan currently has an increase in coronavirus infections, and I heard that foreigners aren’t allowed into the country,” wika ni Mayweather.
“So it’s really disappointing, but there’s no way I can fight in Japan on February 28. When I’m allowed into Japan, and if Mega gets a new date and a venue, and if they give me an opponent, I can be ready to fight any time.”
Ang Tokyo at ang iba pang bahagi ng Japan ay nasa ilalim ng state of emergency dahil sa virus, na nakatakdang matapos sa Marso 7.
Una rito, noong nakaraang linggo ay ipinagpaliban din ang laban ni Mayweather kontra sa internet star na si Logan Paul sa Pebrero 20.