Kinumpirma ni AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner na pansamantalang papalitan muna ang mga existing military personnel na naka deploy sa ilalim ng Vice President Security and Protection Group (VPSPG).
Sinabi ni Brawner papalitan sila ng contingent mula sa AFP at PNP.
Ayon kay Brawner, nakatanggap kasi sila ng subpoena mula sa PNP na isailalim sa imbestigasyon ang mga tauhan ng VPSPG.
Itinanggi naman ni Brawner na kaniyang i-take over ang VP SPG.
Sabi ng chief of staff hindi na niya ito kayang tutukan dahil marami siyang mga ginagawa bilang pinuno ng sandatahang lakas ng Pilipinas.
Aniya mananatili pa rin ito sa ilalim ng pamamahala ng Presidential Security Command ang VPSPG.
Samantala, nilinaw din ni Brawner na ang kanilang trabaho ay depensahan ang Constitution at protektahan ang sambayanang Filipino.