-- Advertisements --
Nagpasya ang Serbia na ituloy ang pinakamalaking music events sa Europe ang The Exit Festival.
Gaganapin ito sa buwan ng Agosto dahil sa mga panahon na iyon anila ay nakontrol na ang nasabing virus.
Ang nasabing event kasi ay unang naka-skedule sa kalagitnaan ng Hulyo na gaganapin sa Novi Sad City.
Nagkaroon lamang ito ng mga pagbabago dahil sa coronavirus pandemic.
Ilan sa mga napiling magtatanghal ay sina David Guetta, Tyga at Fatboy Slim.
Ang nasabing bagong petsa ng event ay nirekomenda mismo ni Prime Minister Ana Brnabic dahil ito ay dinadayo ng nasa 200,000 na turista kada taon.
Ikinatuwa naman ng organizer ang nasabing balita.