-- Advertisements --

Matagumpay na natapos ni EXO member Kai ang kaniyang mandatory military service kung saan nagpakilig sa fans nito dahil makakabalik na muli ang K-pop star sa music industry.

Ayon sa mga ulat si Kai o sa tunay na buhay Kim Jong-in ay na discharged sa military noong Mayo 2023 kung saan nagsilbi itong social service agent.

Sa batas ng South Korea nire-require nito ang lahat ng lalaki na pumasok o kumuha ng military service upang matiyak na ng bansa ay handa sa anumang mangyaring sigalot kontra sa North Korea.

Ang military service ay tinuturing na isang paraan upang maituro sa mga Koreano ang disiplina, pagkakaisa, at pagmamahal sa bansa.

Samantala sa mga miyembro ng EXO tanging si Sehun an lang ang natitirang miyembro ng sikat na group ang hindi pa nakakatapos ng kaniyang military service dadapwa’t umaasa itong ma di-discharge sa Setyembre 2025.

Kaugnay pa nito unang napasok sa mundo ng K-pop industry si Kai noong 2012 bilang miyembro ng EXO para sa mga sikat nitong mga kanta na ”Growl”, ”Ko Ko Bop”, at ”Love Shot”.

Noong 2020 nang magumpisa itong mag record ng kaniyang solo album na pinamagatang ‘EP’ na nasundan pa noong 2023 na ‘Rover’.