Suspendido ang pagpapatupad ng expanded number coding ngayong araw ng Miyerkules.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority, ito ay kasunod na rin ng kanselasyon ng MalacaƱang sa lahat ng pasok sa government offices at pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa Metro Manila dahil sa patuloy na pag-ulan na dulot ng habagat at bagyong Carina.
Dahil din sa malawakang pagbaha, may ilang kalsada sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila tulad na lamang sa Makati, Taguig, Mandaluyong at Maynila na hindi na madaanan ng mga sasakyan dahil sa abot-tuhod na tubig baha.
Una na ngang inanunsiyo ng Presidential Communications Office ang suspensiyon ng mga klase gayundin ang pasok sa trabaho sa rehiyon epektibo kaninang alas-5 ng umaga base na rin sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.