-- Advertisements --
Suspindido ang expanded numbing coding scheme sa darating na Semana Santa simula Abril 6 hanggang Abril 10.
Ito ay kaugnay parin ng layuning maging mapayapa ang pag gunita ng Semana Santa.
Nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga motorista maging sa iba pang sasakyan na planohing mabuti ang magiging biyahe sa darating na linggo.
Inaasahan naman ng ahensya ang buong kooperasyon ng mga driver maging ng mga pasahero sa mga ipatutupad na batas trapiko kaugnay parin ng Semana Santa.
Samantala, tigil operasyon din ang Philippine National Railway simula Abril 6 hanggang Abril 9.
Magsasagawa raw ng taonang pagsasa-ayos at pagkukumpuni ng tren at mga tracks nito.