-- Advertisements --

Iminungkahi ng isang experto sa gobyerno na ipagpatuloy ang pag monitor nito sa teritoryo nito sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS) upang maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran at sampahan ng kaso ang mga nasa likod ng paninira
Ito ang inihayag nin Dr. Jonathan Anticamara ng University of the Philippines Institute of Biology.

Sinabi ni Dr. Anticamara na napaka halaga na i-monitor, bantayan at manmanan ang ating teritoryo ng sa gayon mabatid ang katotohanan sa likod ng pagkasira ng ilang bahura.

Aniya, kailangan ng Pilipinas ng maraming ebidensiya.

Nauna nang sinabi ni Anticamara na ang isang research at survey na isinagawa ng isang grupo ng mga marine scientist ay nakakita ng malawak na coral bleaching sa Escoda (Sabina) Shoal.

Ginawa niya ang mga pahayag nang tanungin tungkol sa bar o pamantayan sa pagsasagawa ng survey at pananaliksik, na kailangang batay sa katotohanan, batay sa agham at makatwiran.

Sinabi pa nito na ang pagsubaybay ay maaaring magbigay ng liwanag sa mga tanong sa epekto sa kapaligiran at mga pagsisikap sa pagbawi.

Ayon kay Anticamara, ang sanhi ng pagkasira at labis na pagsasamantala sa WPS ay ang pagkakaroon ng libu-libong Chinese fishing vessel na nagsimulang lumitaw noong 2013.

Dagdag pa ni Anticamara, walang pakialam ang mga Chines sa environmental sensitivities dahil ang kanilang practice ay sobrang nakakasira.