-- Advertisements --

GENEVA, Switzerland – Naglunsad ang Uganda ng groundbreaking vaccine trial para sa Ebola Sudan virus.

Ang trial na ito ay suportado ng World Health Organization (WHO) at iba pang international partners.

Sa bilis ng paghahanda ay nakuha sa loob lamang ng apat na araw mula nang makumpirma ang outbreak noong Enero 30.

Ang trial ay isang mahalagang hakbang sa mas mahusay na paghahanda para sa mga pandemya at pagsagip ng buhay sa mga lugar na may outbreak.

“This is a critical achievement towards better pandemic preparedness, and saving lives when outbreaks occur,” said Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus, WHO’s Director-General. 

Nabatid na ang bakuna na ginamit sa trial ay donasyon ng International AIDS Vaccine Initiative (IAVI) at iba pang international organizations.