-- Advertisements --

Itinanggi ng Department of Health (DOH) ang reklamo na “expired” ang halos 50,000 testing kits na ipinamamahagi ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Baguio City.

Ngunit nilinaw ng kagawaran na kaunti lamang talaga ang “shelf life” ng mga testing kits na nasa 6 months mula sa date of manufacturing.

Sinabi ng ahensiya na base sa delivery of records and documents, walang testing kits na inilabas mula sa laboratoryo ay expired.

Napag-alaman na ang RITM ay nasa ilalim ng hurisdiksyon ng DOH.

Nauna nang inireklamo ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na expired ang RT-PCR test kits na ipinamahagi ng private testing laboratory sa kanilang lugar.

Aniya, kinakailangang imbestigahan ang nasabing insidente lalo pa’t kanila nang ipinaabot sa RITM at Inter-Agency Task Force ang nasabing report.