Isinusulong ngayon ng mga alkalde sa National Capital Region (NCR) ang pagkakaroon ng “express lanes” sa mga vaccination sites at ang agarang matuturukan ang mga nasa A4 category o mga esential workers.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos Jr, na lahat ng mga alkalde ng NCR ay sang-ayon sa nasabing panukala at nais nila na ipatupad ito agad.
Bukod pa dito ay dapat agad na maturukan na ng COVID-19 vaccines ang mga nasa A4 categories maging ang mga manggagawa ay dapat na iprioridad na rin.
Mahalaga aniya na mabigayan ng express lanes ang mga nasa medical frontliners, senior citizens at yung mga may comorbidities dahil ang bakuna aniya ay para sa mga priority sectors.
Kabilang na rin aniya sa A4 categories ang lahat ng mga manggagawa at hindi kabilang dito ang mga nasa work from home.