-- Advertisements --
Magdudulot ng mga pag-ulan sa malaking parte ng bansa ang Bagyong Marilyn na pumasok na sa Philippine Area of responsibility kaninang unaga.
Sa ulat ng Pagasa, makararanas ng katamtaman hanggang sa panaka-nakang malakas na buhos ng ulan ang halos kabuuan ng Luzon kasama na ang Metro Manila, at Visayas, Zamboanga Peninsula, Bangsamoro, Northern Mindanao at SOCCSKSARGEN.
Huling namataan ang sentro ng sama ng panahon sa layong 1,355 km silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph malapit sa gitna at may pagbugsong nasa 70 kph.
Kumikilos ang bagyo pa-hilagang-kanluran sa bilis na 25 kph.
Hindi naman daw inaasahang tatama sa kalupaan ng bansa ang nasabing bagyo.