-- Advertisements --
image 30

Nagdadala na ng ulap at paminsan-minsang ulan ang extension ng bagyong Gardo sa extreme Northern Luzon.

Ayon sa Pagasa, posibleng lumawak pa ang pagbuhos ng ulan kapag lumapit ang mas malakas na super typhoon Hinnamnor.

Ang bagyong Gardo ay namataan sa layong 1,065 km sa silangan ng extreme Northern Luzon.

May lakas itong 55 kph at pagbugsong 70 kph.

Kumikilos ngayon nang pahilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Habang ang super typhoon Hinnamnor ay nasa layong 980 km sa hilagang silangan ng extreme Northern Luzon.

May lakas itong 195 kph at pagbugsong 240 kph.

Umuusad ito nang pakanluran timog kanluran sa bilis na 30 kph.