-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases nitong hapon ang Resolution 29-2020 para sa extension ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Baguio City at Benguet hanggang Mayo 15.

Ayon kay Engr. Bonifacio Dela Peña, administrator ng Baguio City, kahit extended ang ECQ ay maipapamahagi pa rin ang ikalawang bahagi ng Social Amelioration Program (SAP) sa mga benipisaryo.

Sinabi niyang sa ngayon ay binubuo na ang mga guidelines sa kung anong klaseng mga negosyo ang papahintulutang magbukas kahit extended ang ECQ sa lungsod at sa Benguet.

Batay sa datus ng Baguio City Health Services Office, aabot na sa 30 ang mga positibong kaso ng COVID 19 sa lunsod, kung saan, marami sa mga nakapitan ay mga medical fronliners.